Friday, June 22, 2007

Trapik


Sino ba naman na nakatira sa Pinas na di alam ang salitang ito?

Ito ang kalabang mortal nang mga motorista at commuters na gaya ko.

Nung mga nakaraang buwan, nahirapan akong makapasok sa opisina dahil sa pagsasaayos nang Tullahan bridge na syang primerong daan nang mga taga-Valenzuela. Meron pang ibang daan na sinubukan ko dahil sa rehabilitasyong ginagawa nila pero kahit mismo sa mga bagong daan na tinahak ko, pucha! May inaayos pa rin! Ayokong mag-isip nang masama pero dahil ba mage-eleksyon na o talagang trip lang nilang ayusin lahat nang daanan? Ano baaaa!!!

Mahigit 2 buwan ko pinagtyagaan, nasanay na ulit ako. So syempre, wala akong karapatang magreklamo di ba? Ako ang dapat mag-adjust (syet, sayang tagalog na sana lahat). O sya sige, di ako dapat magreklamo.

Pero eto na ang matindi, pasukan na! Ang isang oras kong byahe, dumoble!!! At mismong itong araw na ito ang pinaka-badtrip sa lahat eh. Ikaw ba naman na kampante kang sobra ang oras nang byahe mo eh ma-late pa? Target ko pa naman sana na maka-perfect attendance this month, pero sinira ni Manong FX driver eh. Biro mo nakaiwas na sana kami sa trapik nung magre-route kami from EDSA to mo. Ignacia-cubao (long cut pero at least di trapik. grabe mula que. ave. trapik. tangina talaga. hoooo!!!)

ok na sana, kampante ako di ba? pero ang ginawa nya lalabas na sana ng greenhills, umikot pa sa gate 5!!! syet!!! 15 minutes to go na lang nung nakalabas kami dun.

pero ang siste, trapik sa flyover!!! 10 minutes na lang! tangina talaga.

ayun, late ako 3 minutes.

don't you just hate it when things go out of your control?

No comments: