
Then the nightmare began. I thought I was lucky I was able to ride in an R&E taxi. But I was wrong.
As the cab rode along Crossing Ilalim, here goes our conversation:
Me : Manong, pagtapos ba nang crossing ilalim, makakakanan ka sa Julia Vargas
Manong : Sa Guadix po.
Me: Ah ganun ba, sige ayos lang.
Manong : Saan po ba kayo?
Me : Sa emerald ako, Orient Square
(lumagpas si manong ng megamall AT guadix. Binagtas ang mga bus sa Ortigas Ilalim)
Me thinks: (Siguro kakanan sa Poveda)
Me : Manong, kanan na ho tayo dito
Manong : Ay no entry ho dito e
Me : Dapat sa Guadix na ho tayo kumanan e
Sabi ko nga kanina sa Guadix tayo e
Me : Anyway, andito na tayo. Dumiretso na ho tayo sa ortigas (Wag mong painitin ang ulo ko!!!)
(Binagtas pa ni manong ang mga service vehicles sa gilid ng Robinson's. At binalak pang kumanan sa ADB)
Me : (nagtaas na ng boses): Manong, emerald tayo!
Manong : Wag nyo ho ako sigawan! Hindi nyo ako utusan!
Me : Eh paano kung saan-saan nyo na ako dinadaan e sa Emerald nga ako!
Manong : Sabi ko nga kanina Guadix pero ayaw nyo
Me : Wala naman akong sinasabing ayaw ko! E lalo akong nalelate sa ginawa nyo!
Manong : Ganyan kayo pag nalelate, taxi driver ang sinisisi nyo!
Me : O sige ibaba nyo ako sa traffic enforcer! irereklamo ko kayo! Tutal late na rin ako makikipagsagutan talaga ako sa inyo!
Manong : (Hindi tumigil)
Me : O ngayon ayaw nyo tumigil paano alam nyong mali kayo! Dyan na ako!
(Iniwan ko yung bayad sa upuan sabay balya talaga ng pinto)
Sa loob-loob ko? ^!*&%-* mo!!! Sobrang nanginig pa ako sa galit pagakyat ng elevator. I know I was wrong to have raised my voice kaso the situation called for it na talaga. If I hadn't stood my ground, hay naku who knows isang daan pa binayaran ko mula Guadalupe hanggang Ortigas. Pakshet sya.

No comments:
Post a Comment