Friday, May 13, 2005

I LOVE THIS COUNTRY. NOYPI!!!

Sa dinami-dami ng problema nang bansang ito ngayon, hay naku, mabuburyong ka talaga.

Biruin mo, sa loob nang wala pang isang taon, tumaas na naman ang pamasahe natin sa jeep [from 5.50 to 7.50...gone were the days na P0.75 lang ang pamasahe..guess what year was that?=)]. Maraming graduate na walang trabaho. P1,000 na ang bill namin sa kuryente. Ayaw nang ibang business owners na taasan ang sweldo ng trabahador nila, lugi daw sila. Maraming negosyanteng di nagbabayad ng taxes, ang laki ng tax ko kahit na wala namang nangyayari na resulta. Panay pa rin ang kurakot nang mga politiko dito. Aayusin daw ang trapiko pero ala pa ring nangyayari. Ang daming pink fences sa edsa pero di lahat sumusunod!

Blah-blah-blah...i could continue ranting for a day at di ako mauubusan ng reklamo. Pero ano nga ba ang mangyayari kung puro nga tayo reklamo? Di talaga ito maiiwasan para naman mailabas ang saloobin pero, hanggang reklamo na lang ba tayo?

Sa mga mahihirap na sinasabing walang ginagawa ang gobyerno sa kanila, hanggang kelan kayo aasa at tatayo sa sariling paa?

Sa mga estudyanteng walang trabaho dahil daw mahirap maghanap, kelan natin malalaman na kinakailangan magsimula sa ibaba bago makarating sa itaas?

Sa mga kababayan ko na nagsasabing wala nang pag-asa ang bayan ko, kelan nyo susubukan na mahalin ang bayan natin?

Pagmamahal sa bayan, ito na siguro ang pinakamagandang solusyon. Pag mahal mo ang bayan mo, di ka mangungurakot dahil alam mong kawawa ang mahihirap na dapat makinabang dito. Kung mahal mo ang bayan mo, naniniwala ka na ang Diyos ang magiging sandigan natin at malalampasan ang mga problema natin. Pag mahal mo ang bayan mo, magsusumikap ka hindi lamang para sa sarili mo kundi para na rin sa ikabubuti ng kapwa mo. Ang nangyayari kasi, sarili na lamang ang laging iniisip. Syempre, pag selfish ka, di ka na makikialam sa takbo ng bansa mo basta ok ka, di ba? Pag selfish ka, basta mayaman ka kahit sa pangungurakot, ok lang! Mayaman naman ako. Pag selfish ka, kahit may nananakawan na sa harap mo, wag ka nang makialam baka madamay ka pa.

Di ba natin naiisip na damay-damay naman talaga tayo lahat?

Hay, kelan kaya babalik ang kadakilaan nila Andres at Jose? Sana matuto na tayo sa mga nangyari noon pa. Sabi nga nila : Those Who Forget Their Own History Are Condemned To Repeat It.

Wag naman na sana. Kawawa naman ang mga anak natin.

No comments: