Friday, May 20, 2005

iritasyon

May mga bagay na kahit hindi naman masama, eh feeling mo, nakakairita. meron din ako niyan.

1) yung humihigit ng hangin sa pagitan nang labi o ngipin

Naiirita ako sa habit na yan. parang akala mo e hindi mapakali na sinto-sinto. basta ayaw ko nyan. pag may katabi ako na ganun ang habit, aalis ako.

2) Nagje-jerk ang balikat o ulo- no offense pero ayoko talaga.

3) mga mahilig mag-buzz sa yahoo instead na magmessage na lang. Grrr! ano ba ang silbi ng messaging kung buzz lang ang alam mo? AT pag hindi ako sumagot, ibig sabihin im busy or away. yun lang yun, di ba? kainis talaga yan sa akin!

4) Kalabit habang natutulog.- ewan ko. ayawa ko talaga itong gawin. basta.

No comments: