Tuesday, September 09, 2008

And what a long weekend for me...

Last friday ay naiayos na rin ni Albert ang kanyang binyag at kumpil. Hindi ko na sya inabot dahil sa sobrang tagal kong makasakay pauwing Valenzuela pero thank goodness pa rin at para akong nabunutan ng tinik.

Nagulat daw ang halos lahat ng Marian Choir kahit na binalaan na sila ni Father Memeng na wag magugulat sa bibinyagan....Hahaha!

Saturday was a full day pahinga. Pinapickup ko na rin kay Albert yung license namin na nakuha na ni Rina on our way to the church. Salamat na marami talaga sa aming friend sa munisipyo! Tapos nakapagsubmit na rin kami ng banns. For pickup sya ng Sept. 24. Kaya pag sumilip ka sa Holy Cross, andun na kami sa "Wanted" billboard ng isasakal...hehehe!

After that, I watched the Grand Chorale concert at Holy Cross. It will be the last concert na conductor ng VNMC si Albert. As usual, sa kanilang performance talaga yung masasabi mong aliw. Medyo di na kasi appreciated nang tao ang acapella, unless lagyan mo nang magandang movements. Ganda din ng ginawang arrangement ni Albert sa Mariang Ina Ko. Astig talaga asawa ko when it comes to music! Hehehe! Gifted Child na, Bonakid pa...hahaha! I was seated with my kumareng Sheila with my inaanak na kambal, na laging nabobore kapag hindi entertaining ang nakikita.

Kinabukasan naman, pumunta ang Ninang Beth ko sa bahay para mangamusta at para na rin ipacheck yung gown na meron sya. Di naman kasi ako nagrequire ng color, as long as it looks ok para sa Ninang sa kasal. It was a two-piece lavander gown so ok na rin. Chikahan syempre ng mga buhay-buhay. Sinabayan ko sya ng uwi, kaya sa kyusi ako natulog dahil may lakad pa kami bukas.

We went to NSDG Monday afternoon para mapickup yung misalette. Sarado pala sila ng Monday pero nagkataong may kasal kaya bukas yung office. Napaka-etchosera talaga nung isang babaita na nasa office! Unang beses na namin syang kinakitaan ng pagka-etchosera nya sa precana pa lang ha. Mali kasi yung name sa Precana Certificate ko. E di syempre pinacorrect ko. Sabay tinuro ba naman na hindi ko raw nasulat ng printed (allcaps) ang aking name. E pag sinabi mo namang printed, meaning hindi dikit-dikit di ba? Ang pino-point out nya is all caps. Duh! Sabay turo pa sya sa instructions. Tapos etong sumunod e parang ayaw makipagusap. Hmph. Deadma.

After nun dumiretso na kami sa UP Chapel dahil may kanta sila Albert para sa birthday nang isang madre at sabay na sa birthday ni Mama Mary. Dun na rin namin mineet si Hazel para diretso na kami sa final food tasting with Kaye.

As expected, sarap ng food ng K by Cunanan. Not the typical menu from caterer talaga, and fresh ang ideas on styling. I am not a really creative person pero I really appreciate when I see one. Nafinalize na namin ang colors & menu, and we'll do the occular Monday next week sa Artist's Pavilion. It took us two hours and after nun we went to Hazel's house to get naman the paper cutter. Nagchikahan pa kami for more than an hour over coffee at her cutie house and she dropped us off sa Visayas Ave. We tried cutting some of the invites, and that's when we learned we really need a cutter para sa smaller parts. Gumegewang kasi yung paper cutter pagdating sa dulo...

Hay! That's it, pansit!

No comments: