Thursday, December 11, 2008

Automatic ba na kelangan pag kinasal, baby agad?

I do not mean to sound angry o ano pa man, isa lang itong simpleng tanong sa isang bagong kasal na tulad ko.

I mean, hindi ba't selfish para maglabas ka nang bata sa mundong ito nang walang paghahanda? Physically & financially?

Physically, Grade 2 pa lang ako marunong na akong mag-alaga ng bata. Kung kaya ko nga lang magpasuso nun, baka pinagawa na rin ng nanay ko, promise!

Financially, we are not yet ready. Parehas kasi kami ng asawa ko na gustong prepared ang lahat. Hindi lang din kasi sarili pa namin ang inaalala namin, may mga pamilya pang kelangan alalayan para makatayo din sila sa sarili nilang paa.

So we both decided na i-enjoy ang preparation time na ito. Hindi naman sa selfish kami at ayaw pang iwan ang singlehood days namin, sino naman ang hindi gusto na mag-alaga nang isang angel? Nakakaaliw na kayang isipin kung ano itsura nang anak namin (sana maputi sya na hindi singkit, para halong albert at dinha talaga! hahaha!)
And with after that, I am sure, babae ang panganay ko (basta feel ko babae!)

No comments: