Kwento pa to galing sa tito Jun ko..baka familiar din sa inyo, read on:
Si Juan ay isang masamang tao pero bago siya namatay ay nakagawa siya ng kabutihan. Kaya nung siya ay napunta sa Pearly Gates, binigyan siya ni San Pedro ng pagkakataon na pumili sa tatlong impiyerno kung saan nya gusto.
"Uy ok yan! Ako ang pipili! ", sabi ni Juan
"O sige, na.. ", pagmamadali ni San Pedro, " at papakainin ko pa ang manok ko.."
Isang kindat lang ni San Pedro ay nasa madilim at mainit na lugar na silang dalawa ni Juan. At sa harapan nila ay may tatlong pinto na may label na, Impiyerno A, B, and C.
"O ngayon, idikit mo ang tenga mo sa unang pinto" utos ni San Pedro
Idinikit naman ni Juan ang tenga sa pinto ng Impiyerno A. Narinig nya ay, " Wag po! Wag po!! sunog na sunog na kami! Tama na! AaAAaaahhh", na tila patuloy na sinusunog na mga kaluluwa.
"niyaah... ayoko dyan", biglang sinabi ni Juan.
"Oh kung ayaw mo dyan, check mo ung next room."
Kaya punta naman si Juan at pinakinggan ang Impiyerno B. Sumisigaw naman ang mga kaluluwa na kasabay ng mga hagupit , " Tama na! Tama na! Masakit na masakit na!! Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!"
"yikes! ayoko din dyan. ", halos mapaiyak na sabi ni Juan.
"O sige, next room"
Bago pa lumapit si Juan sa pinto duda na sya na maganda ang nandun. Pero wala syang magawa, kse iyon na ung last na pinto. Pero pagdikit nya ng tenga sa pinto, may naririnig siyang mga kaluluwang sabay sabay na kumakanta ng, " Huwag kang aalon, Huwag kang aalon, Huwag kang aalon".
Hindi makapaniwala si Juan sa narinig, kaya muli nyang pinakinggan.
"Huwag kang aalon, Huwag kang aalon, huwag kang aalon.."
Totoo nga at sila ay nagkakantahan! " Ito na! Dito na lang ako! Parang masaya dito kse may nagkakantahan! Dito na lang ako San Pedro".
"Ok. Kung yan ang gusto mo.." At sabay na binuksan ang Impiyerno C at itinulak si Juan.
"Aaaaahhhhhh........" sabi ni Juan habang nalalaglag sa ikatlong pinto.
Nang biglang may narining na isang malaking "PLOK!" sa pagkabagsak ni Juan. Tumigil ang mga kumakanta panandalian. Tumayo si Juan sapagkat siya ay nalulunod sa kanyang pagkakahiga. Siya ay lubog sa dagat-dagatang tae hanggang leeg kasama ng ibang mga kaluluwa doon. Pero kailangang tumingala at tumingkayad si Juan. Nang tumigil ang pag-alon na dulot ng pagbagsak ni Juan, sabay sabay muli silang kumanta ng...
"Huwag kang aalon... huwag kang aalon.. huwag kang aalon.."
No comments:
Post a Comment