Monday, June 27, 2005

Dinha's DFA Experience.

This may be too late, but after reading my dear sister Gailey's post about her DFA experience, i'd really like to share mine...

I went there last year, December 10 yata, 2004. I just thought of getting my own passport since i have enough money and time, may mga natira akong 1 day vacation leave so i used it to process my dear own passport.

I wore a collared blouse, since I still do not have a passport sized pic. I have 1x1's and 2x2's at dahil mangmang ako, akala ko pwede na ito. So ayun, gumastos ako (i only bought 1000 pesoses.)

Arrived at 6.30am (dapat daw kasi maaga ako). Pagbaba ko nang Libertad, marami nang tricycle drivers na nagaabang so sakay naman ako. At dinala ako agad sa isang outlet na picture-an - slash - photocopy - slash - tambayan ng mandarambong na taga-illegal agencies. So pa-picture naman ako, worth 150pesos. Sige ok na sa kin yun. Then may mamang lumapit sa akin, na parang nasense nya na bago lang ako at tinuturo nya ako sa ibang lugar pala, habang ang akala ko e pa-DFA (bago lang ako so di ko napansin na may pila pala). After seeing that we are in an office building, I already questioned yung mama, "Anong lugar ba ito? Opisina?" Yun pala, pinagbabayad ako ng P2,000 para lang maprocess ang passport ko. Sabi ko nga, isang libo lang ang pera ko sabay alis.

pagdating ko sa DFA, samu't saring kwento pa ang nalaman ko. May mga dalaga at matatandang naloloko ng kapwa natin at pinagbayad sila ng dalawang libo, pero wala naman silang nakuha! Eh mejo hindi alerto na pwede silang maloko, ayun, nagoyo.

Maaga naman akong natapos, kahit napakahaba ng pila. Nakabalik din ako ng ofis mga 10am na ata. Pagbalik ko dun para kunin (di na ako nagpadeliver), andun na naman yung mama, yung makukulit na tindera nang cover ng passport. So that's the typical DFA day..

Hay, kaantok. =)

1 comment:

Markus Ezekiel Caidoy said...

ei dins.naku buti nlang di mo pinatulan yung 2000 bucks!