Thursday, November 15, 2007

random tots

as i bought 2 tank tops 2 day ago, naalala ko yung tindera na pinagpag yung ibinayad kong 200 pesos sa mga paninda nya. ang alam ko, ginagawa nila ito sa bawat unang benta nila sa isang araw.

and that means ako ang una nilang nabentahan,

at ang oras nuon ay pasado alas-syete na.

nakakalungkot isipin na mga ganoong oras na silang nakabenta.

una pa nga di sila makakita ng kulay pula at itim na sleeveless, naubusan sila ng stock. talagang naghagilap yung tindera ng kulay na gusto ko.

hanggang pag-uwi ko, naisip ko kung gaano kahirap kumita ng pera sa panahon ngayon...

hindi talaga ako pwede sa business, ang dali kong panghinaan ng loob. kahit nga sa tindahan ng lola ko nung bata pa ako, pag walang bumibili nalulungkot ako...

***

pang-ilan na bang kaso ng impeachment ang hinaharap ni GMA na bale-wala lang? di ko na mabilang e.

hay naku, kakayod na lang ako kesa isipin ko pa sya.

bakit, iniisip ba nya ako?

***

naprocess na ang na-file kong loan kahapon at nakuha ko na.

humanda ka hsbc. tapos na ang maliligayang araw mo!

***

on the lighter side, my xmas party "outfit" is now complete! luckily may hoop rings & sneakers ang utol ko that i can borrow. i was also able to buy black & red tank tops at F. so all in all ang nagastos ko e 570 pesos. ayos lang kasi magagamit ko naman ulit yung mga pinagbibili ko.

No comments: