Maraming salamat nga pala, sa mga kaibigan ko na bumabati na sa akin kahit sa Biyernes pa ang kaarawan ko. Di ko alam kung advanced greeting lang yun, o di nila alam na sa 17 pa talaga kaarawan ko...tut..tut..tut..
Bueno, masaya naman ako, kasi mas maraming tao na ang nakakaalam ng kaarawan ko. Ang masaklap, marami na rin ang humihiling ng pakain! Wala pa nga ako sweldo, huhuhu...pangako totoo yun!
Sa mga bumati, bumabati, babati at di pa bumabati, salamat...
Nawa sa bagong taon ng buhay ko, ay mas maging pasensyosa, disiplinado, mapagmahal at mapagmalasakit ako sa kapwa ko, kahit sa anong paraan. Yun na siguro ang hiling ko sa Kanya.
Salamat sa Diyos, at umabot ako sa idad na ito, nang walang sakit, kumakain ng 5x sa isang araw (matakaw po ako), at kasama pa ang mga mahal ko sa buhay. Salamat..salamat! Amen! :D
1 comment:
happy bday sis!
Post a Comment