Flat feet, also called pes planus or fallen arches, is a condition in which the arch of the foot collapses, with the entire sole of the foot coming into complete or near-complete contact with the ground. In some individuals (an estimated 20-30% of the general population) the arch simply never develops in one foot (unilaterally) or both feet (bilaterally).It should be noted that being flatfooted does not decrease footspeed.
huhuhu!
di ko actually sure kung flat footed ako, pero sa dinami-dami nang instances sa buhay ko, lagi akong nadadapa at napiplayan sa kanang paa ko. tulad kanina. =(
iisa-isahin ko pa yung iba ha..
1) 1st year HS ako, habang may presentation ang mga CAT students ng school namin. nagsitakbuhan kami ng mga kaklase ko sa kabilang side ng quadrangle at ayun, nadapa lang naman ako sa harap ng lahat ng tao sa paaralan ko. dahil don, binansagan akong "darna". take note, nakita pa ko ng crush ko! syet, "double-dead" na ako =(
2) habang papasok ako, syempre may i run na ang beauty ko (2nd yr na ko nito). may boyfriend na rin ako (guess what sya yung crush ko nun haha). nagkita kami sa daan, at sa kasamaang palad, nadapa na naman ako. ano ba yan, malas ata ang crush ko na yun sa buhay ko or masyado lang akong lovestruck nun at tuwing nakikita ko sya nadadapa ako. syet!
3) minsang pauwi na kami galing despedida, may humabol sa aming mga lasing. syempre, nagsitakbuhan ba naman kami, at as expected, nadapa na naman ako. to the max level na ito dahil nagkabukol pa ako (di ko alam kung napatumbling ba ako o ano)
4) eto pauwi naman ak galing trabaho. paakyat na ako ng MRT, di ko namalayan na may baitang pala yung dinadaanan ko. matindi 'to kasi 2 days akong di nakapasok sa sobrang maga. parang tulad ng maga ngayon =(
5) at yung ngayon. sa sobrang bad trip ayoko pa syang i-reminisce. di lang kasi ako nadapa, para pa akong napaluhod sa putik. ewww!
and there are actually some more minor scenes na katisuran. hay naku!
No comments:
Post a Comment