Monday, January 14, 2008

3 things to invent for the Pinoys




1) forcefields on MRT doors
- sa maraming beses kong pagsakay ng MRT lately, isa ito sa mga importante. kasi naman, kita mo nang may lalabas haharangin pa. sana may force field sa harap ng pinto, na habang di pa nakakalabas lahat ng palabas ng tren e hindi sya magpapapasok ng tao.


2) Immobilizer para sa mga Jaywalkers
- isa pa 'to, mga walang disiplina! may traffic light pero di sinusunod! pag nasagasaan, yung may sasakyan pa ang problema! kung ayaw mong mahuli, gumising ka ng maaga!


3) para sa mga vandalizers
- ito matagal kong inisip. naawa kasi ako sa pader ng clinic ng family doctor namin na pagkaputi-puti e ba-vandal-an lang. wala akong pakialam kung siga ka o kung ano man ang pangalan ng grupo nyo. ang gusto kong mangyari naman sa mga bwisit na gang na ito, automatic pag nagvandal ka (mapa-spray paint or paint brush) madidikit ka sa pader for three days. oo, tatlong araw kang nakadikit sa pader, bahala na si Batman kung madumi or maihi ka sa salawal mo.

No comments: