Friday, January 04, 2008

cooking churva

this past holiday season, nag-attempt ako magprepare ng ibang pagkain na di namin usually hinahanda pag ganitong panahon. we started this a couple of years ago with tacos & cordon bleus. this year, i tried making a kilo of carbonara nung pasko. ok na sana ang sauce, pero nalimutan ko dagdagan ang sahog. the worst, ambilis pala nya mapanis. note to myself: kalahating kilo lang muna ang lutuin!

nung new year naman, may nakita akong recipe ng ref cake (graham cake to others) sa likod ng nestle cream pack. mocha magnifico. uyy pangalan at picture pa lang na-attract na ako. nung chineck ko yung ingredients, uy, pasok din sa budget!

fast forward, ok yung cake, sold-out actually! ang mali ko na naman, di ko na-whip yung cream, nailagay ko sya ng matubig pa kaya ayun, di na-absorb ng graham crackers ng maayos. medyo maliit kasi yung bowl na pinag-prepare-an ko, may kaliitan pala sa dami ng cream+condensed milk combo ko kaya ayun...baka naman kasi tumapon.

anyways, i'm happy hindi major palpak ang gawa ko. may label kasi ako sa bahay na di dapat pinagluluto e, di ko nga alam kung bakit.

2 comments:

Candy :) said...

ang sarap naman... buti ka pa, ako hanggang kain lang. hahaha :D

Dins said...

hi kendz, thanks for dropping by. i'll link you up ha! =)